Among Ed for President?

Noong Martes, inilahad ko po sa isang press confe­rence ang aking hangarin na magpa-file ako ng candidacy para sa pagka-presidente ng ating bansa bago o kaya sa mismong araw ng Nobyembre 30.

Mayroon pong natuwa at mayroon namang nagalit.

Gusto ko pong ipaabot sa inyo ang pagpasok ko sa pulitika at pagtakbo sa pagka-presidente ay hindi nagsimula sa akin. Wala naman kasi akong political agenda. Pinasukan ko ito sapagkat ako ay tumugon sa pangangailangan at sa kahilingan ng mga tao.

Noong walang mapi­ling disenteng alternatibong kandidato sa pagka-gobernador sa Pampanga noong 2007, ako ay nagpasyang kumandidato pagkatapos kong magnilay.

Ganito rin ang nangyari sa pagkakataon nga­yon. May mga grupo at sektor na wala raw ma­pi­ling presidential candidate noong ako ay nilapitan.

Pagkatapos ko ring magnilay ako ay nagpasyang kumandidato.

Kahit pa naman noong nakaraang taon, malimit akong tinatanong kung ako ay hahabol bilang presidente?

Tatlong palatandaan ang aking tinakda: una, walang ibang nakikitang karapat-dapat na kandidato; pa­ngalawa, suporta ng mga tao; at pangatlo, kung pagkatapos kong magnilay at nagpasyang tatakbo, kapa­yapaan ang nadama ko.

Ngayon pong nakikita kong nandito na ang mga palatandaang ito, ako ay nagpasya nang tumakbo.

Sa gitna ng mga nag­hihirap at nagugutom na maraming Pilipino, sa paglala ng katiwalian sa pamahalaan at sa paglaganap ng kawalang pag-asa, ito ang panahon na kailangan tayo ng ating Inang Bayan.

Bilang Pilipino na may malasakit, dapat tayong nakahandang ialay sa bayan ang pinakamainam sa ating sarili. Kung itong pag-aalay ay nangangahulugan na kailangan nating isakripisyo ang ano mang bagay o lahat ng bagay sa atin, mangyari nawa sana ito.

Para sa akin, ang sakri­pisyong tinutukoy ko ay ang paghingi ng DISPENSATION sa Sta. Iglesia sa aking pagkapari. Ito po ay napakalaking bagay para sa akin. Pero maaari ko pong gawin ito. Bakit?

Para sa akin ang pinakapuso ng pagpapari ay pag-aalay ng sarili sa kapwa lalo na sa mga mahihirap at maralita. Ito naman po ay aking ginawa noong ako ay nakadestino sa mga parokya at patuloy kong sinasabuhay nga­yong ako ay gobernador. Mas higit ko pa ngang nilalaan ang aking sarili ngayon kaysa noon. Kaya lang po kailangan kong hu­mingi ng dispensation upang maipagpatuloy ko ang aking panunungkulan sa pulitika sapagkat ito ang batas ng Sta. Iglesia na kailangan ko itong sundin. Ayaw kong sumuway sa kahilingan ng Iglesia.

Nagpapasalamat po ako sapagkat ang ating Sta. Iglesia ay maunawain.

Kung sa bagay naniniwala akong hindi rin naman masama ang aking layunin.

Kung ako naman ay bi­nabatikos ng iba sa ginawa kong desisyon na ito, nire­respeto ko po ang kanilang pahayag at pagtingin. Wala akong galit sa kanila. Tanging hangad ko lang naman ay ako ay manindigan batay sa nakikita kong buhay na dapat ialay upang sama-sama na­ting itaguyod ang ating Inang Bayan.

Kaya Natin! Kilos Na!

Ipaabot po ninyo sa akin ang inyong pagtingin hinggil dito. Mag-text lang po kayo sa 0920-5975633.

Para sa inyong mga komento, pwede kayong magpadala ng email sa kayanatin@yahoo.com.

6 Responses to “Among Ed for President?”

  1. Gregorio M. Las-igan Jr.

    Lubos po ang aking paghanga sa katapatan ninyo at kakayahan ninyong maglingkod sa bayan at ituwid ang bulok na systema ngayon nang ating lipunan. Makakaasa po kayo nang aming supporta.

    Lubos na gumagalang,

    Gregorio M. Las-igan Jr.
    Dacayo Village, Curifang
    Solano, Nueva Vuzcaya

  2. dear among ed:

    thank you for this clear explanation of your discernment process. i just want to clarify a news item i read this week. it said that you told reporters that it was God who told you to run. please enlighten us on this. thank you. keep up the good work that God has begun through you. you are in our prayers.

    roger mina

  3. Kami pong mga OFW any nagagalak sa inyong layunin. Naway kayo po at sampon ng inyong mga kasamahan ay pagpalain ng maykapal ng saganon inyong matugunan ang pagbabagong matagal na nating inaasam.

    Masakit man sa amin na mapalayo sa pamilya subalit sa kawalan ng pagasa sa Pilipinas kami ay napipilitan mangibangbayan para sa kinabukasan ng aming mga mahal sa buhay.

    Muli maraming salamat po Mabuhay po kayo.

  4. Hon. Ed Panlilio,

    Ako po ay isa sa mga humahanga sa inyo dahil sa naging paninindigan at prinsipiyo ninyo ukol sa paglilingkod sa kapwa o sa sambayanang Pilipino. Nasubaybayan ko sa pamamagitan ng internet ang mga ginawa ninyo para sa Pampanga at ako po’y naniniwala kailangan ng ating bansa ang isang katulad ninyo na tunay na maka-Diyos at maka-Bayang Pilipino. Ako po sa aking munting paraan ay handang sumuporta sa inyong kandidatura. Ang tanging makakahadlang lamang ng aking pag-suporta sa inyo ay kung tatakbo din po si Bro Eddie Villanueva sapagkat ako po ay isang Born Again Christian at yun po ang isang nakadagdag na bagay, maliban pa sa nakikita ko na tunay nyang hangarin para sa ating bansa, kung bakit siya ang aking susuportahan if ever na siya po ay mag decide na tumakbo. At aking ikalulungkot din (at ng madami din nating kababayan) kung kayong dalawa ay magkaka-banggaan pa sa darating na halalan.

    Hindi po kaya mas maganda, since kayong dalawa, sa aking nakikita, ay mayroong halos magkaparehas na genuine principles and objectives para sa ating bayan, ay magsama na lamang at huwag na maging magkatunggali sa darating na halalan? To give the Filipino people a much better alternative rather than those monkeys or trapos eyeing the highest post in the land. I can see that it will be much better if the two of you, together, will fight graft and corruption and bring back morality in our country. Two true God-fearing individuals, back-to-back, hand-in-hand, with God’s guidance and grace, cleaning the whole country, taking out the garbage, leading the whole nation towards progress and prosperity. For me, it doesn’t matter kung sino sa inyo ang tatakbo na presidente or bise-president, basta mahalaga magkasama at magkatulong po kayo sa pagsugpo sa mga problema na kinakaharap ng ating bansa.

  5. gilbert m. paras

    my family and i are with you, sir, in your quest for the presidency. i am quite sure that our countrymen who truly want genuine reforms and meaningful change will also support you. we have had enough of the trapos and the likes of gma who have devastated our country and institutionalized corruption.
    all the best for you, MR. PRESIDENT!

  6. my support. my sister in law asked, where will i give my contribution?
    The point here is not the money but the enthusiasm.
    May God bless you and our country.

Leave a Reply