Ang marangal na panunungkulan
http://www.abante.com.ph/issue/june2009/op_ep.htm
Ang ating lahi ay tunay nating maipapagmalaki bilang isang lahing marangal. At hindi tayo nahihiyang sariwain ang ating kasaysayan na puno ng magigiting na tao. Ang mga ninuno nating bayani ay freedom loving people, pinaglaban ang pambansang kasarinlan at binuwis pati ang kanilang buhy upang makamtan ang ating kalayaan. Bagkus ang alaala nila ay nakakapagdulot sa atin ng pasasalamat at pagpapahalaga sa kanilang kabutihan.
Tayo ngayon ay tagapagmana ng mayamang kasaysayan at ang mga lingkod ng bayan ay dapat ipagpatuloy at lalo pang pagyamanin ito. Public trust nga ang tawag sa pagkaluklok ng ating nanunungkulan.
Ngunit itong public trust ngayon ay hindi gaanong nakikita sa ating mga public servants. Katunayan nga pagka nasa pwesto na, ang pagtingin sa mga ito ay corrupt at pagka ang iba naman ay malinis at hindi nagpapakayaman ang tawag sa kanila ay tanga.
Nag-iiba ang pagtingin sa public officials. Kaya nga mayroon tayong leadership crisis sa ating bansa. Napakababa ng pagtingin ng tao sa marami sa ating nanunungkulan.
Sa ibang bansa pagka ang mga elected officials ay pinapatawan ng allegations of corruption, kusa silang nagre-resign sa pwesto at iyong iba pa nga ay nagpapakamatay. Samakatuwid ganyan ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang poder.
Dito po sa ating bansa ang mga binabahiran ng katiwalian ay hindi na nagre-resign, gumagawa pa nang paraan, kahit ilegal, upang sila ay manatili sa panunungkulan. Babaguhin ang saligang batas upang manatili sa pwesto at magkaroon ng immunity sa mga nakahandang asulto.
Kami pong nasa pwesto ngayon, ang aming kapangyarihan ay galing sa inyo. Kayo rin po ang nagpapasahod sa amin sa pamamagitan ng buwis na binabayad ninyo.
Kaya mayroon po kayong karapatan upang hingin ninyo kami ng paglalahad kung paano namin ginagampanan ang aming panunungkulan.
Kami namang nasa poder mayroon kaming tungkuling magbigay sa inyo ng kwenta kung paano namin pinapangasiwaan ang yaman ng bayan.
Atin pong ibalik ang dangal nang panunungkulan. Kinakailangang kusang loob itong manggaling sa amin. At kung hindi ito nangyayari, may kakayahan at karapatan kayong hilingin ito sa amin.
My support ay kay Among Ed. He can do it, He can eliminate the corruption in our country as he did in our province by the grace of God. I saw a lot of filipino in Europe and in Israel maaawa ka sa kalagayan nila kung matino lang ang gobyerno natin hindi magdaranas ng hirap ang mga kababayan natin. So we a new leader in our country ang tutuong maka Dios at makabayan.
the philippines has destiny. Pinili ng Dios ang Pilipinas for His divine purpose. As we work together we will have a wonderful future for our country.
May the Lord bless your work toward our country.