Ba’t ‘di nga ba si Noynoy?
http://abante.com.ph/issue/sep0509/op_ep.htm
Noong ako po’y nilapitan ng aking mga supporters na ako ay tumakbo bilang presidente ng bansa, pumayag ako pagkatapos ng pagninilay at dasal. Isa sa aking mga dahilan ay ayaw kong ang maging presidente ay isang trapo. Ngunit noong nagsilabasan ang ibang reform candidates, naisip kong sobra namang karami ang gustong maging presidente. At kung magpapatuloy itong pangyayari, talaga namang trapo ang susunod na mamumuno sa ating bansa.
Matagal ko na ring ipinapahayag na dapat isang reform candidate lang ang tumakbo at susuportahan siya ng ibang reform candidates na kagaya niya.
Ngunit nakakalungkot mang sabihin, napakahirap yatang mangyari nito.
Tignan mo nga naman ang kamay ng Diyos. Sinong mag-aakalang sa ganitong panahon mamamatay si Tita Cory at muli nitong pupukawin ang damdamin nating makabayan? At sinong mag-iisip na itatampok si Noynoy bilang isang presidentiable na mangunguna sa pagsulong ng demokrasya sa ating bansa?
Ngunit napakaraming mga batikos at pag-iisip na hindi raw kaya ni Noynoy. Hilaw pa raw siya para sa pinakamataas ng puwesto.
Sa panahong ito at maging sa ano mang panahon, wala po tayong mapipisil na perfect candidate sa pagka-presidente. Hindi naman ito ang hinahanap natin. Ang gusto nating maging pangulo ng bansa ay yaong matino at tapat. Isang leader na puwede niya tayong pagkaisahin lahat tayong mga Pilipino. Isang leader na masipag, marunong lumaban, at tunay nagmamahal sa ating bansa.
Walang isang pinuno na mag-isa ay kaya niya lahat ang gawain. Ang kailangan natin ay isang lider na nagbibigay ng inspirasyon sa taong bayan upang ipalabas ang kagalingan sa kanilang sarili.
Ang pinuno na nababagay sa atin ay isang team player na kaya niyang paikutan ang kanyang sarili ng mabubuti at matitinong ka-manggagawang katulad niya.
Ang ganitong uring leader ay nakikita ko kay Noynoy.
Hindi niya hiniling na siya ay tatakbo bilang presidente. Hindi siya uhaw sa kapangyarihan. Kundi taglay niya sa kanyang katauhan ang maka-Diyos at makabayang dugo ng kanyang mga magulang. Marangal na paninilbihan ang kanyang minana. At maaari niyang isulong itong napakagandang simulain.
Samahan po natin si Noynoy sa kanyang retreat at pagdarasal. Nawa’y tanglawan siya ng liwanag ng Maykapal upang ang kanyang kalooban ay maging kaisa ng Kanyang kalooban.
Para sa mga nais tumulong at magbigay suporta laban sa Recount at ipaglaban ang tunay na demokrasya ng ating bayan, mag-text lamang sa 0916-3210906.
This is Jino A. Barrantes, professor of Informatics Computer Institute - Festival Mall, Alabang Branch.
I agree on your words Hon. E. Panlilio and I salute you with your very humbling way of letting Noynoy for the position. Noynoy is the one who could bring the country to unity, peace and change. There are lot of things our country has to recover and with the new leader like Noynoy with the help of everyone, I believe he will be able to lead us, to command us, to guide us, to govern us without any hesitation but to serve us with dignity and trust. I must say, he is a man of integrity. He trust the people who supported him to run for President and I believed he deserves it. Noynoy, tuloy ang laban… Thanks