Bistado!
Abante Tonite
Pebrero 18,2009
Hindi ko inasahan pero bigla akong nagkaroon ng pagkakataon na makita at makalapit kay healing priest Fr. Fernando Suarez. Niyaya ako ni Tita Deedee Sytanco na manood ng kanilang fund-raising concert sa Manila Hotel noong February 6.
Alam n’yo ba na sa halip na paa ko ang ipagamot ko kay Fr. Suarez ay ang mga kamay ko? Kasi ilang araw nang sumasakit noon ang aking mga daliri sa kata-type sa aking laptop ng aking State of the Province Address (SOPA) na nakatakda kong bigkasin noong February 9. Tutal matagal ko nang tanggap na hindi na siguro gagaling ang aking pisikal na kapansanan kaya ang pinagamot ko na lang ay ang aking kamay.
***
Alam na ng aking mga apo Isabelino na kapag nag-ulat ako sa kanila tungkol sa kalagayan ng aming probinsya ay detalyado ito at prangka.

Noong huli kong ginawa ang SOPA dalawang taon na ang nakakaraan, sinabi ko sa kanila ang tungkol sa halos isang bilyong pisong utang ng nakaraang administrasyon na aking naabutan. Pagkaraan ng dalawang taon ko bilang gobernador, sa bawat tatlong piso ng mga utang na iyon ay nabayaran na namin ang dalawa o 70%. Ito ay iyong mga sinisingil ng mga nagbenta dati ng gamot, o mga kinontrata nilang gumawa ng mga eskwela at hospital at iba pang pinagkagastusan bago mag-eleksyon noong 2004. Walang nag-akalang mapapalitan sila sa kapangyarihan, kaya ang daming nabitin na mga kontratista.
Noong Lunes, noong mag-ulat uli ako sa aking mga kababayan, sinabi kong 15% na lamang ang natitira sa mga utang na iyon. Puwede naman sanang mabayaran na lahat kasi ay maganda na ang financial condition ng aming lalawigan, kaya lang ay ayokong magbayad kung hindi ako makuntentong maayos ang mga papel at proseso ng mga pinababayarang ito.
***
P700 million pesos naman ang iniwang utang sa bangko ng aking mga sinundan. 70% dito ay bayad na rin namin, 30% na lang ang naiiwan. Makaka-graduate na rin kami sa mga utang na ito. Mantakin mo P250 million pesos ang interes sa utang. Ang dami pa sanang nagawang kabutihan niyon sa aming mga mamamayan.
***
Sa halos limang taon ko na bilang Gobernador ay nakita ko kung gaano kalaki ang pera ng probinsya. Ito ang maganda kung ang mga karaniwang mamamayan na katulad ko ay nakakapasok sa kapangyarihan dahil ating nalalaman kung ano talaga ang nangyayari sa loob ng gobyerno.
***
May sapat na pera ito para sa mga mamamayan kung hindi itatago o aangkinin para sa kanilang sarili ng mga politiko. May pera na nga, uutang pa. Magbabayad tuloy ang bayan ng mabigat na interes.

Ang ipinagmamalaki ko sa aking mga kababayan, HINDI KO NA SILA IPINANGUTANG PA. At ang dami pa rin naman naming nagawa sa pera ng probinsya. Bukod sa nabayaran namin ang mga inutang ng aming mga dating pinuno, nakapaglunsad kami ng mga proyekto na direktang pinakinabangan ng daan-daang libo naming mga mamamayan.
Isa ay ang aming taun-taong pagbibigay ng libreng PhilHealth cards sa may 105,000 na Isabelino. Sabi nila’y pinakamalaking enrolment ito ng isang probinsya sa buong Pilipinas.
Isa ay ang aming taun-taong pagbibigay ng libreng PhilHealth cards sa may 105,000 na Isabelino. Sabi nila’y pinakamalaking enrolment ito ng isang probinsya sa buong Pilipinas.
At syempre, ang aming programa ng pagdadagdag ng hanggang P3 bawat kilo sa mga aning palay at mais ng aming mga magsasaka. Dahil dito ay hindi na sila masyadong nababarat sa mga bunga ng kanilang paghihirap. Mayroong pondo ang Kapitolyo na idinadagdag namin sa pera ng National Food Authority.
Ang pinakamaganda pa rito, kumikita pa ang programa naming ito dahil kapag tapos na ang buying season at tataas na muli ang presyo sa merkado, saka kami magbebenta ng aming binili sa mga magsasaka. Anumang kita namin ay ***
Napakarami talagang matutulungan ang pera ng bayan kung ito ay ginagamit para sa tao at hindi inaangkin ng mga politiko. Sana ang karanasan namin sa Isabela ay magsilbing inspirasyon sa iba pang mamamayang Pilipino para kumilos na upang ang mga politiko ay matuto nang maging tapat sa kanila at ibigay sa bayan ang dapat ay para sa bayan.
Leave a Reply