ChaCha na naman?

http://www.abante.com.ph/issue/june0609/op_ep.htm

Ang Pilipinas ay isa sa mga pambihirang bansa na madalas magpalit ng constitution. Nangyari ito noong 1935, 1971 at 1986.

Martes, Hunyo 2, 2009, maghahating gabi, pinuwersa ng mayorya sa kongresso na ipasa ang ConAss. Layon ito na muli na namang palitan ang constitution.

Malimit pong itinatanong ito sa akin sa mga forum na pinupuntahan ko.
Sang-ayon ba ako dito o hindi? Ano ang stand ng Kaya Natin sa Charter change?

Ang Kaya Natin ay kinikilala ang katotoha- nan na ang kalagayan at pangangailangan ng ating bansa ay patuloy na nag-iiba. Kaya nararapat lang na umangkop at tumugon tayo sa kasalukuyang kalagayan. Ngunit sa usaping Charter change, kung tunay na kailangan, ito ay dapat maganap pagkatapos ng election sa 2010 sa pamamagitan ng Constitutional convention.

Kaya tutol ang Kaya Natin sa ConAss. Hindi kami sang-ayon sa pagbabago ng saligang batas ngayon. Kung ang panahong ito ay magkakaroon ng pagbabago, ito ay na- ngangahulugan lamang na nagmamaniobra na naman sa ating bayan ang interes.

Itong ginawa ng kongreso ay magdudulot na naman ng paghidwa sa ating bansa. Bagay na hindi nararapat sapagkat tayo ay nasa gitna ng matinding problema ng kahirapan at kawalang pag-asa. Kitang-kita ang kawalang malasakit para sa bayan ng ating mga kongresista. Habang nasa labas ang ating mga kababayan na hilingin ang pagpasa ng CARPER upang magkaroon ng lupang maangkin ang ating mga magsasaka, bahala naman ang kongreso sa ConAss upang isulong ang kanilang kasakiman.

Nararapat lamang po na tayong tunay na nagmamahal sa ating bansa at nagmamalasakit upang magkaroon ng marangal na buhay ang ating mga kababayan, na tayo ay magkaisa upang ipamalas natin ang matinding pagtutol at galit sa baluktot na gawaing ito.

Nasabi ko na nga po na tatlong beses na tayong nagpalit ng constitution ngunit tumitindi pa rin ang kahirapan natin. Mayaman ang ating bansa ngunit mahirap ang marami sa atin. Kaya hindi ang constitution ang ating problema.

Ang paniniwala ko kung gusto nating umunlad, dapat tayong mga Pilipino ang kailangang magbago.

I have always believed that what we need is ethical effective and efficient leadership and responsible citizenship.

At sa dalawang tinukoy ko ang mas mahalaga ang ating mga mamamayan na gising, nakikialam at nagkakaisa upang buuin natin ang isang payapa, responsable, maunlad, malusog pero matapang, mapanglikha at tuluy-tuloy ang kilos hangga’t hindi natin nakakamtan ang minimithing pagbabago at pag-asenso. Kasama na rin dito ang pagluklok sa ating pamahalaan ng mga mabuti, magaling at nagmamalasakit na namumuno.

***

Ipaabot po ninyo sa akin ang inyong pagtingin hinggil dito. Mag-text lang po kayo sa 0920-5975633.

Para sa inyong mga komento, pwede kayong magpadala ng email sa kayanatin@yahoo.com.

Leave a Reply