Kaya Bang Alisin ang Katiwalian sa ating Bansa?

http://www.abante.com.ph/issue/apr2509/op_ep.htm

Isa sa pinakamalaking dahilan na nagpapabagsak sa ating bansa ay takaw na nagbubunga ng pangmalawakang katiwalian.

Ang ating bansa ay tinaguriang “most corrupt country” sa far east.

Ito ay nagdudulot sa atin ng napakalaking kahihiyan sapagkat ating pinagsisigawan na tayo ay “godly and Christian country”.

Ngunit hindi lang dapat tignan ito sa puntong nakakahiya. Dapat din itong magdulot sa atin ng muhi o matinding galit upang tayo ay kumilos para patalsikin ito.

Batay sa mga mahusay na mananaliksik, 50 hanggang 60 na porsiyento sa mga pondong nakalaan sa proyekto ng ating pamahalaan ay ninanakaw.

Kaya napakakaunti ang napupunta sa proyekto. Halimbawa, kung 1 mil­yong piso ang budget para sa isang kalsada, kalahati o higit pa dito ang binubulsa.

Naging kasama na sa kalakaran ang tinatawag nilang komisyon at SOP.

Ngunit ito naman ay walang basehan sa batas ng ating bansa.

Pwede ba nating alisin itong nakasanayan na gawain na nagpapabagsak sa ating buhay at moralidad? Sagot ko po ay pwede. Ginagawa na po namin ito sa Pampanga.

Dalawang linggo palang noong ako ay nagsimula sa panunungkulan ay pinatawag ko ang mga kontratista at kumpanyang sumasama sa bidding sa mga infrastructure pro­jects. Tinanong ko kung paano ginagawa ang bidding noong nakaraan. Sila daw ay kailangang magbigay ng komisyon upang makakuha sila ng proyekto. Puwes, sabi ko mula ngayon hindi na sila kailangang magbigay ng komisyon sapagkat ako at ang aking staff ay hindi tatanggap nito.

Binigyan din namin ng kopya ng program of work ang mayors, kapitan at civil society. Nakasaad dito ang detalye ng proyekto. Kaya habang ginagawa ang mga proyekto ay nakabantay ang mga tao sa lugar na iyon.

Tinitiyak nilang walang kalokohang nangyayari sa mga proyekto.

Patunay po ito na pagka ang mga naninilbihan ay hindi corrupt at nagbabantay ang taumbayan, kaya nating alisin ang katiwalian sa bansa.

Panahon na para baguhin natin ang mga ma­ling gawain.

***

Ipaabot po ninyo sa akin ang inyong pagtingin hinggil dito. Mag-text lang po kayo sa 0920-5975633.

Para sa inyong mga komento, pwede kayong magpadala ng email sa kayanatin@yahoo.com.

One Response to “Kaya Bang Alisin ang Katiwalian sa ating Bansa?”

  1. OK po ang ganyang paraan, makikita ng taongbayan ang mga projects na dapat magawa sa tamang specification.

    sa ngayon po ang project na kalsada sementado pero madaling masira, dahil sa % mula sa gov, mayor, brgy capt, wala nang natitira sa actual budget..sana mabago na itong salot na kurakot!!!, plase wag nyo na po i publish poangalan ko..

Leave a Reply