Pagmamahal sa Diyos ay Pagmamahal sa Bayan

Abante
February 21,2009

Ang pinakabuod po ng ating pananampalataya ay pagmamahal.  Unang
nagmahal ang Diyos sa atin.  Kaya nga tayo din ay dapat magmahal sa
kanya.  Itong pag-ibig natin sa Diyos dapat dumaloy at ipakita natin
sa pamamagitan ng ating pag-ibig sa ating Inang Bayan.

Kaya nga noong naghahanap ang Pampanga ng alternatibong kandidato
noong nakaraang eleksiyon at wala namang gustong pumayag sa mga niyaya
naming tumakbo, nadama ko ang pagtatalaga ng Diyos na akin siyang
paglingkuran bilang public servant.

Kaya naman po naging matindi kong paniniwala na kalooban ng Diyos ang
dapat kong ipairal sa aking panunungkulan.  Ako ay kanyang lingkod na
dapat maglingkod sa sambayanan.  Hindi sarili at hindi rin upang
magpayaman o maging tanyag kung hindi pag-aalay ng buhay para sa mga
pinaglilingkuran.

Isa sa mga napakamahalagang tungkulin ng isang local chief executive
ay ang pagpapairal ng peace and order at pagsugpo sa kriminalidad.
Upang ito ay maisakatuparan, kailangan ng gobernador ang isang
magaling at matuwid na provincial director (PD) ng Philippine National
Police.  Isang police officer na magiging katuwang niya.

Sa loob ng halos 20 months. Ako ay nakapagdala ng 18 communications sa
Chief PNP (Gen. Calderone, Razon at Verzosa), kay SILG Puno at
Pangulong Arroyo upang aking igiit ang karapatan kong pumili ng PD.
Apat na beses dito, ako ang mismong pumunta sa Camp Crame upang
i-follow ito.  Ngunit hanggang ngayon itong karapatan na ito ay
patuloy na pinagkakait sa akin.

Alinsunod sa Republic Act 6975, ako ay may kapangyarihan na pumili ng
isang PD galing sa 3 recommendees ng Senior Officers Police Placement
Board (SOPPB) ng NAPOLCOM.

Tatlong beses nang gumawa ng official list ang SOPPB.  Lahat nito ay
pirmado ng SOPPB at mayroong tracking number.  Yung una ay naipadala
na sa Camp Olivas ngunit ito ay hindi ipinaabot sa akin.  Kasama sa
nakalista dito si Col. Cezar Binag.  Nawala daw itong first list  ayon
kay RD Errol Pan.  Sabi ko paano nawala ito kung ito ay may tracking
number?

Yung second list ay nakaabot sa akin ngunit wala akong napili sa mga
recomendees.

Yung third list ay umabot na rin sa Camp Olivas ngunit pinabalik daw
ni Gen. Nilo Dela Cruz for re-deliberation sa SOPPB.  Lahat daw ng
nakalista doon ay mga Kapampangan (Col. Cunanan, Gaddi at Bautista).
Hindi daw dapat isang Kapampangan ang maging PD sa Pampanga. Sabi ko
pambihira naman.
Eh yung nakaupo ditong OIC PD sa nakaraang 2 years ay Kapampangan!

Ipagpaumanhin po ninyo ang sasabihin ko.  Binaboy ng pamunuan ng PNP
at DILG ang proseso ng pagtatalaga ng PD sa Pampanga.  Pinaikot-ikot
ako at binastos ang institusyon ng ating pamahalaan, office of the
gobernor at ang taumbayan.

Hindi pa sila nasiyahan dito.  Noong Martes itinalaga si Col. Gil
Lebin bilang OIC-PD upang palitan si Col. Keith Singian. Sinikreto
nila itong turn over ceremony sa akin sa kabila ng aking pagtutol.  Si
Lebin ay rekomendado ng Pampanga Mayors’ League na isang beses lang
sumulat.  Hayagan na ang very unprofessional at incomptent na handling
nitong gawain.  That is why I condemn in no uncertain terms this run
around and malicious conduct of duty.  I also condemn the assigning of
Col. Lebin to his present post.  Nakakalungkot ang mga  pangyayaring
ito. Isa na namang kaso ito na kung saan ang ating mismong law
enforcers ay naging law breakers.

Paano nga po aasenso ang atin bayan kung palagi na lang ganito ang
kalakaran?  Pero huwag tayong mawalan ng pag-asa.  Hindi po habang
buhay ay magiging ganito na lamang.

Kaya nga tinanggap ko ang hamon ng Panginoon na pumasok sa pulitika
upang tumulong sa pagababago ng ating lipunan.  Nagtatanong ang iba
kung hindi raw ako nagsisisi sa aking pagpasok sa panunungkulan sa
gobyerno.  Hindi po.  Bagamat mahirap, hindi imposibling gampanan ang
good governance at ethical leadership sa Pilipinas.  Kaya nga mayroon
tayong Govs. Baguilat at Padaca at Mayors Lorenzo at Robredo at iba na
nagpamalas ng kahusayan at matuwid na pamamalakad sa loob ng mahabang
panahon.

Kung pababayaan natin ang mga taong may maitim na dahilan upang
pangunahan tayo, kawawa naman ang Inang Bayan.

Kaya po inaanyayahan at hinahamon ko ang ating mga kababayan na may
kakayahang mamuno at may pusong nagmamahal sa ating bansa, paramihin
natin ang mga tunay at dakilang lingkod bayan.  Kung sa inyong pandama
kayo ay tinatawag ng Poon, huwag kayong mag-atubiling tugunan siya.

Let us remember we serve the Philippines because we love God.

One Response to “Pagmamahal sa Diyos ay Pagmamahal sa Bayan”

  1. Thanks for this priest who run to give and share his life for us. he is definitely the man who sacrifice his priesthood to paved a way for his advocacy to be a servant leader of this country and promote change in the nation…

Leave a Reply