RAILROADED NA S.P. RES. NG ISANG LADY GOVERNOR, PALUSOT LAMANG PARA MAILABAS ANG PHP 1B SECRET DEPOSIT SA DBP.
ALAM NYO BANG nagpasa ng dalawang resolution ang Sanguniang Panlalawigan sa utos ng isang lady governor para ilusot ang nabuking na ISANG BILYONG PISONG mahigit na nakadeposito sa secret account nila ng kanyang provincial treasurer?
Ayon sa ating bubwit, noong 2008, ibinulgar pala ng limang opposition Sanguniang Panlalawigan members na may lihim na joint account time deposits ang kanilang governor at ang kanyang babaeng provincial treasurer sa Development Bank of the Philippines.
Nagkabukingan pala sa loob ng session hall matapos na kuwestyunin ng isa pang lady SP member na bakit hindi nakalahad sa proposed annual budget ang beginning balance kung magkano ang savings ng kapitolyo noong nagdaang taon,hanggang sa ipinatawag sa loob ng sesyon ang ingat yaman upang magpaliwanag kung totoong may time deposit silang dalawa ni lady governor.
Umamin daw si provincial treasurer subalit sa loob ng isang executive session sa opisina ng kakutsabang vice governor para daw hindi lumabas sa mga kagawad ng media. Ayon sa ating bubwit>>> Napaiyak itong si treasurer at sinabing kalahating milyong piso lamang ang time deposit nila ni lady governor na walang provincial ordinance at hindi ISANG BILYONG PISO., Ayon sa ating Bubwit.. kaya pala noong Dec. 22, 2009 ay nagkaroon ng special "palusot" session kuno kahit nag-adjourn at huling session na ng SP noong Dec. 16,2009, na hindi naman inabisuhan ang limang opposition Sangunian members dahilan sa alam nilang wala ng session dahil sa mag-eeleksyon na.
Ayon sa ating Bubwit ang nilalaman pala ng Dec. 22,2009 special session(RES.NUMBER-0I8) ay upang bigyan ng kapangyarihan si lady governor na magbukas ng account na tinawag nilang "HIGH YIELDING SAVINGS DEPOSIT" sa halagang mahigit ISANG BILYONG PISO na iyon din pala ang lihim na time deposit ng dalawang babaeng opisyal dalawang taon na ang nakalipas sa sangay ng DBP!
Noong Dec. 19,2009, isa pang Resolution Number-019, isang MOA ang nilagdaan ni lady governor na pinagtibay din ng SP, na ipinatra-transfer naman kay governor ang malaking pondo sa several municipalities na hindi naman binanggit kung anong mga bayan ang paglalagakan ng daan daang milyong piso sa kada bayan.( ang galing nyo madam treasurer, talaga namang mga CPA kayo ni lady governor).
Eto ngayon ang siste, bulgaran ng talaga at garapalan na ang kilos ni lady governor!!!! Kaya pala, galanteng namimigay ng malalaking bonus at cash gift si lady governor sa kanyang paboritong bayan, ay iyun na pala ang kanyang kinurakut na ISANG BILYONG PISONG HIGH YIELDING SAVINGS DEPOSIT SA DBP at ginagamit nyang panuhol-pang-vote buying sa mga kapitan at municipal mayors para siya ay muling iboto sa May 2010 national elections! na pera naman ng lgu!( Kumita pa ng milyong interest na ipinampagawa daw ng mansion sa Canada?)
Ang lady governor na nabuking na nagpalusot ng dalawang SP resolutions kahit naka-adjourn na ang regular sessions ay walang iba.. kilala mo ito Father Among Ed Panlilio, iniidolo mo'to father. Sec. Bebot hindi ba kaibigan mo si itong lady Governor?(Nanalo ito ng Magsaysay Award sa category ng good governance,ganyan ba ang GOOD GOVERNANCE?) ang lady governor na galanteng magpa-bonus ng 40 thousand pesos kahit na isa lang siyang janitor at casual... ay walang iba kundi si Governor G (as in Governor Grace Padaca ng Isabela) or lady governor P as in Polio.